BIFF – kabilang sa mga tumulong upang makapasok sa Marawi City ang maute grupo, tinatayang nasa 40-50 miyembro ng teroristang grupo – patuloy na tinutugis

137

Manila, Philippines – Kabilang ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa mga tumulong sa Maute group upang makapasok sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippine Spokesman B/Gen. Restituto Padilla kasabay ng paglulunsad ng “Mindanao Hour” upang magbigay ng pinakasariwang sitwasyon sa Mindanao na nasa ilalim ng martial law.


Nabatid na bukod sa BIFF, ilang foreign terrorists na rin ang tumutulong ngayon sa Maute.

Sinabi ni Padilla na inaalam na rin nila ang report na pino-pondohan ng foreign terrorist ang nasabing grupo.

Sa ngayon ay sinabi ni Padilla na tinatayang nasa 40-50 na miyembro na lamang ng teroristang grupo ang tinutugis sa Marawi.
DZXL558

Facebook Comments