BIFF nasa likod ng IED Explosion sa Datu Unsay

Sinasabing Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang nasa likod ng IED Explosion na nagresulta sa pagkakasugat ng limang sundalo mula sa 57th IB sa Brgy Meta Datu Unsay Maguindanao.
Kinilala ng militar ang pangunahing suspek na si Maro Batuan aka Maro at Dats na kapwa sa ilalim ni Kadafy Abdullatip.
Gamit ng mga BIFF ang IED na gawa sa bala ng 105 mm.
Matatandaang sakay ng KM 450 ang mga sundalo ng masabugan ng IED.
Todo Alerto ngayon ang mga otoridad sa muling pambubulabog ng BIFF.
google pic

Facebook Comments