TINAMBANGAN | 6 na SAF, sugatan sa pananambang ng hinihinalang miyembro ng NPA

Antipolo, Rizal – Sugatan ang anim na miyembro ng Special Action Force (SAF) nang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Antipolo, Rizal kahapon

Ayon sa report ng pulisya, nabatid na lulan ng police mobile ang walong SAF commandos at pabalik na sana sa headquarters nang pagbabarilin ng hindi pa batid na bilang ng mga rebelde sa Barangay San Jose.

Tinamaan ang isa sa kanila habang sugatan din ang lima pa matapos tumalon sa sinasakyan nilang mobile.


Pinabulaanan naman ni Rizal Police Provincial OIC Director Supt. Albert Erasquin Ocon, ang report na may nawawalang pulis.

Sa ngayon ay nagkalat na ng mga checkpoint sa buong lalawigan para sa ikadarakip ng mga armadong lalaki.

Facebook Comments