BIG FISH | Suspek sa pagkakapatay ni Police Supt. Masongsong, isa sa lider ng NPA – PNP

Bulacan – Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek pagkakapatay ni Supt. Arthur Masongsong ang isa sa magagaling na tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, ito ay si Donato Jacob alyas Jonas Dondon na naaresto kahapon sa Obando, Bulacan.

Sa imbestigasyon, natukoy ng PNP na si Jacob ay commander ng bagong hukbong bayan ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Bulacan.


Napag-alaman ng PNP na ang grupo ni Jacob ay regular na nangongotong sa mga mayari ng fishponds at quarry operation sa lalawigan ng Bulacan.

Ngayong araw isasailalim sa inquest proceedings ang naarestong suspek.

Matatandaang noong December nang nakalipas na taon namatay si Supt. Masongsong matapos makipagbarilan sa grupo nina Jacob habang inililigtasang kidnap victim na si Raziel Bungay.

Facebook Comments