Big-time drug lords, pinahaharap sa pagdinig sa DOJ

Manila, Philippines – Gugulong na ang pagdinig sa kaso ng mga tinaguriang big-time drug lords.

Ito ay makaraang itakda ng Department of Justice sa Aug 14 ang pagdinig sa reklamong paglabag sa Section 26-B ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act pagbebenta, pamamahagi at pangangalakal ng iligal na droga laban kay Peter Go Lim alyas Jaguar na nasa drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama din sa pinahaharap sa pagdinig sina Kerwin Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.


Ang kaso ay isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group laban sa mga sinasabing big-time drug lords.

Sina Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes at John Michael Humarang ang mga piskal na hahawak sa naturang reklamo.

Facebook Comments