Big time drug pusher arestado sa Taguig

Arestado ng mga otoridad ang isang big time drug pusher sa isang 5 star hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ayon kay NCRPO Major General Guillermo Eleazar, nakatanggap ng tip ang Taguig PNP mula sa security ng nasabing hotel dahilan upang ikasa nila ang operasyon.

Sinabi pa nito na dalawang house keeping ang nakakita ng bukas vault sa tinutuluyang kwarto ng suspek na kinilalang si Domingo Tanyao Uy Jr., 44-anyos, businessman at nakatira sa isang condo sa Quezon City.


Salaysay ng mga testigo nakita nila na madaming pera at party drugs sa vault ni Domingo kung kaya at dito na sila tumawag ng mga pulis.

Kabilang sa mga nakumpiska sa operasyon ay ang anim na packs ng transparent plastic sachets na naglalaman ng 4,038 pirasong pinaghihinalaang ecstasy na may street value na P6,864,600 gayundin ang 22 transparent plastic bag na naglalaman ng 350 grams ng pinaghihinalaang cocaine na may halagang P1,855,000 at tatlong pirasong vacuumed sealed plastic bag na naglalaman ng 103 grams ng illegal drugs price of P 51,500 at tatlong pirasong maliliit na transparent bottle na naglalaman ng yellowish liquid na isa pang uri ng dangerous drug, ilang mga dokumento at P720, 346.

Sa kabuuan umaabot sa P8.5 milyon ang halagang ng mga ilegal na droga ang nakumpiska sa suspek.

Nabatid na noong December pa nag-rent sa room 909 ng nasabing hotel si Uy at P13,000 ang renta niya dito kada araw.

Sa ngayon hawak na nila si Uy at nakatakdang sampahan ng paglabag sa Section 11 Art. II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments