Nagpatupad na kanina ang kumpanyang Petro Gazz ng big time na rollback sa presyo ng produktong petrolyo hanggang Linggo, Marso 13.
Epektibo kaninang alas-6 ng umaga, nasa ₱5.85 ang itatapyas sa kada litro ng diesel habang ₱3.60 naman sa kada litro ng gasolina.
Ayon sa Petro Gazz, layon nitong maibsan ang epekto ng sunod-sunod na oil price hike na nagbabadya nanaman sa susunod na linggo.
Batay sa pagtataya ng mga taga oil industry, nasa ₱12.72 ang inaasahang itataas sa kada litro ng diesel at ₱8.28 naman sa kada litro ng gasolina dahil sa pagsipa pa ng presyo ng kada bariles ng langis sa pandaigdigang merkado at epekto ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nito lamang martes, nagpatupad ang mga oil compaines ng ₱5.85 na dagdag singil sa kada litro ng diesel at ₱3.60 naman sa kada litro ng gasolina sa ikasampung magkakasunod na linggo.