Inaasahang muling magkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa sususnod na linggo.
Batay sa ulat, mahigit P2 kada litro na ang ibinagsak sa presyo ng imported na gasoline, diesel, at kerosene.
Kung matuloy, ito na ang ika-4 na sunod na rollback sa gasolina.
Ayon kay Noel Soriano, President ng Independent Philippine Petroleum Companies Association, nahinto ang biyahe na nagpahina ng demand sa langis dahil sa pagkalat ng COVID-19 Omicron variant.
Matatandaang may mga bansa na nagpatupad ng travel ban sa ilang bansa na may mga kaso na ng Omicron variant.
Facebook Comments