Umabot na sa 356 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot sa insidente ng vote buying.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, sa mga naarestong ito walo ang menor de edad.
Nagpasalamat si Albayale sa aktibong pakikiisa ng publiko para madiskubre ang mga nagsagawa ng pamimili at pagbebenta ng boto ngayong election period.
Hanggang May 14, 2019 kabuuang 225 insidente ng vote buying ang naitatala ng PNP, sa mga insidenteng ito umabot na sa 12, 208, 958 pesos cash ang kanilang nakumpiska.
Pinakamaraming nakumpiskang cash para sa vote buying naitala sa CARAGA Region.
May mga nakuha rin 62 sako ng bigas at 22 tray ng itlog kapalit ng boto.
Ang 62 mga sako ng bigas ay nakumpiska ng mga pulis sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao o BARRAM at SOCCKSARGEN.
Habang 22 tray naman ng mga itlog ang nakumpiska nila sa Region 4A o CALABARZON.
Paalala naman ni Albayalde sa publiko hanggang June 12 pa ang election period.