*Cauayan City, Isabela*- Muling hiniling ng chairman ng committee on agriculture sa senado ang pagbibigay ng bigas sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang alternatibo na nakukuhang pera ng mga ito.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, may nakalaang pondo sa rice subsidy ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development na umaabot sa 31 billion na siya umano sanang gamiting pambili ng bigas sa mga magsasaka na ibibigay naman sa mga benepisyaryo ng programa.
Dagdag pa ng senadora na mas mabuti rin ang pagbibigay ng bigas sa bawat pamilya para matiyak ang direktang pagkakaroon ng suplay na pagkain sa mga ito.
Matatandaang naging usap-usapan na rin sa kamara at senado ang tungkol sa pagbibigay ng bigas na kapalit ng pagtanggap ng pera ng mga benepisyaryo.