Bigas ng Masa mabibili nasa Kidapawan City North Cotabato

13

Inilunsad ng Department of Agriculture ang ‘Bigas ng Masa tienda’ upang makabili ng murang bigas ang publiko. Sa North Cotabato, ang Bigas ng Masa ay mabibili sa Research and Experimental Station ng Department of Agriculture Sa Barangay Balindog, Kidapawan City. Ayon kay OIC Center Chief Maridel Gaspan na mabibili ang nasabing bigas sa halagang P38 ang bawat kilo. Ang bawat isa ay makakabili ng limang kilo upang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na makabili ng murang bigas. Ito ay deriktiba ni DA Secretary Manny Piñol sa buong bansa upang matulungan ang maraming mamamayan na makabili ng murang bigas habang wala pang NFA rice na mabibili sa mga palengke. Sa kasalukuyan umaabot sa P45 hanggang P50 ang presyo ng commercial rice na mas mahal ito sa itinitinda ng ‘Bigas ng Masa’ na nakapako ang presyo sa P38 kada kilo.(Report from Jessie Ali)

Facebook Comments