San Andres, Maynila – Inanunsyo na ng Department of Agriculture (DA) na magbubukas na ito ng mga outlet ng bigas Ng Masa Tienda sa San Andres, Maynila.
Nauna rito, ipinangako ng DA na ikakalat sa buong bansa ang mga outlet na direktang mga magsasaka mismo ang magbebenta ng kanilang agricultural products sa mga consumers na mas mababa ang presyo kumpara sa mga pribadong pamilihan.
Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Pinol, bubuksan ng agribusiness and marketing office ng DA ang panibagong outlets sa Bureau of Plant Industry Office sa Maynila sa susunod na linggo.
Matapos ang matagumpay na pagbubukas ng bigas ng masa outlets sa agribusiness center sa central office ng ahensiya sa Quezon City nitong nagdaang araw, nagpakita naman ng interes ang iba pang farmers cooperative na makiisa sa programa ng ahensiya.
Pangunahing ibebenta sa mga tienda outlets ang magagandang klase ng bigas na mabibili lang sa halagang 38 pesos kada kilo mas mura sa 45 pesos na benebenta sa merkado.