BONGGA | Mala-palasyong disenyo ng banyo sa isang gasolinahan sa Quezon City, viral

Quezon City – Kinatutuwaan ngayon ang isang banyo sa isang gasolinahan sa Tomas Morato Corner E. Rodriguez, Quezon City dahil sa mala-palasyo nitong disenyo!

Nag-viral ang larawan nito matapos na ibahagi ng Facebook user na si Allec Testado.

Kwento niya, nagulat siya nang makita ang loob ng banyo kung saan damang-dama raw niya ang pagiging hari.


Ang toilet bowl, disenyuhang parang trono ng hari habang kulay ginto ang iba pang kasangkapan sa loob gaya ng salamin, lamesa, picture frame, disenyo ng pader at maging ng basurahan!

Kaya kahit nakakainit ng ulo ang taas-presyo sa petrolyo, kahit papano, nakaka-good vibes naman daw ang istura ng banyo.

Facebook Comments