Bigas ng NFA at frozen fish sa MICP, dapat ipamigay na sa mga apektado ng ECQ

Nanawagan si Senator Imee Marcos na ipamigay na agad nang libre ang tone-toneladang sakong bigas na nasa mga bodega ng National Food Authority (NFA).

Nakausap ni Marcos ang ilang alkalde sa metro manila na handang magsa-ayos sa mga nabuburong bigas sa bodega ng NFA.

Hiniling din ni marcos sa Bureau of Customs (BOC) na ipamahagi na rin ang mga frozen assorted fish sa Manila International Container Port (MICP).


Ayon kay Marcos, maaring asikasuhin ng Depatrment of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi sa Metro Manila ng mga assorted frozen fish na nasa BOC.

Pakiusap pa ni Marcos, ipagamit na ang mga COVID-19 test kits at face mask na nakatengga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Diin ni Marcos, layunin ng kanyang mga mungkahi na maiwasan ang pagsiklab ng kaguluhahn o karahasan sa Metro Manila kung hindi kaagad matutugunan ang kakulangan sa supply ng pagkain sa hanay ng mga lubhang apektado ng krisis na hatid ng COVID-19.

Facebook Comments