Bigas, sibuyas at bawang, nangunguna sa mga produktong pag-agrikultura na ipinupuslit sa bansa ayon sa Bureau of Customs

Umaabot sa P545.06 milyong halaga ng produktong agrikultura ang naharang ng Bureau of Customs (BOC) na tinatangkang ipalusot sa bansa ngayong taon

Sa datos ng BOC Intelligence Group, ang bigas ang nangungunang produkto na pinalulusot kung saan P206.80 milyon na halaga nito ang nasabat.

Pumapangalawa ang sibuyas na nasa P190.48 milyon ang napigilang makapasok, kasunod ang bawang na nagkakahalaga ng P55 milyon ang tinangkang ipasok sa bansa.


Kaugnay nito, nakapaghain na ang BOC sa Department of Justice ng 14 na reklamong kriminal laban sa 41 indibidwal at customs broker na nasasangkot sa illegal na aktibidad

Iba pa ito sa kasong administratibo na isinampa sa Professional Regulations Commission (PRC) laban sa mga sangkot na customs broker.

Facebook Comments