Biglaang pagputok ng Bulkang Kanlaon, ibinabala ng Phivolcs

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng biglaang pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Phivolcs, tumataas ang posibilidad na magkaroon ng phreatic o steam-driven eruption dahil sa pagtaas ng aktibidad ng bulkan.

Simula February 11, nakapagtala ang ahensya ng 28 volcanic earthquakes mula sa Kanlaon.


Umabot din sa 1,130 tonnes kada araw ang ibinubugang sulfur dioxide gas ng bulkan na pinakamataas simula nang maitala ang 300 tonnes per day noong June 2020.

Nagkaroon din ng bahagyang pagtaas sa lower at middle slopes ng Bulkang Kanlaon na nangangahulugan ng paghina ng pressure na posibleng dulot ng hydrothermal tectonic o ng paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.

Bagama’t nananatiling “restive”, nilinaw ng Phivolcs na wala pa ring senyasles ng pag-akyat ng magma sa crater ng bulkan.

Nananatili rin itong nakataas sa Alert Level 1.

Pero pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na maging alerto at iwasang pumasok sa 4-kilometer permanent danger zone ng bulkan.

Pinayuhan din ng ahensya ang civil aviation authorities na iwasan munang magpalipad malapit sa bunganga ng bulkan.

Facebook Comments