Ramdam na muli ng ilang COVID-referral hospital sa Metro Manila ang biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na linggo.
sa Philippine General Hospital, sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na umabot na sa 100 ang bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang pagamutan kung saan labing lima rito ay healthcare workers.
Ayon kay del Rosario, sa loob ng maikling panahon ay nagka-COVID ang 15 nilang healthcare workers.
Dahil rito, kinailangan ng pgh na isara ang kanilang outpatient department.
Mas lalo rin nilang hinigpitan ang kanilang pag-iingat at ipinapatupad na mga measure lalo na’t nagbabanta rin ang UK at South African variants.
Naobserbahan din ng St. Luke’s Medical Center ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 patients nito sa mga nakalipas na araw.
Ito ang unang beses na biglaang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa nasabing ospital matapos ang tatlong buwan.
Gayunman, tiniyak na pagamutan na hindi pa nito nararating ang full capacity.