Monday, February 2, 2026

BIGLAANG U-TURN NG TRICYCLE, NAGDULOT NG BANGGAAN SA BINALONAN

Nagkaroon ng aksidente na kinasugatan ng isang pasahero sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Sumabnit, Binalonan, Pangasinan bandang alas-11:00 ng umaga noong Pebrero 1, 2026.

Batay sa imbestigasyon at kuha ng CCTV sa lugar, isang SUV ang bumabiyahe pahilaga nang biglang mag U-turn ang isang tricycle mula sa southbound outer lane. Dahil dito, nahagip ng SUV ang tricycle.

Napag-alaman na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang driver ng traysikel nang mangyari ang insidente.

Walang nasaktan sa dalawang driver, subalit nagtamo ng pinsala ang sakay ng tricycle. Lahat ng sangkot ay dinala sa Urdaneta District Hospital upang mabigyan ng agarang lunas.

Nagkaroon ng pinsala ang parehong sasakyan, habang patuloy pang tinutukoy ang kabuuang halaga ng gastos sa pagkukumpuni. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments