BIGO | DOJ, maglalabas ng desisyon kahit hindi magsumite ng memoranda si Sister Fox

152

Manila, Philippines – Bigo pa rin ang kampo ni Sister Patricia Fox na maghain ng kanilang memoranda.

Kaugnay ito ng deportation order ng Bureau of Immigration (BI) na iniapela ni Sister Fox sa Department of Justice (DOJ).

Bunga nito sinabi Justice Secretary Menardo Guevarra na kapag natapos na ang tatlumpung araw na binigay nilang palugit sa paghahain ng memoranda, desesisyunan na nila ang apela ng Australian missionary.

Bukod sa kampo ni Sister Fox, pinagsusumite rin ng DOJ ng memoranda ang Bureau of Immigration (BI).

Samantala kinumpirma ni Guevarra na nagsimula na ang validity ng limamput syam na araw na binigay nilang temporary visitor’s visa kay Sister Fox.

Facebook Comments