BIGO | Ill-gotten properties na narekober mula sa mga kaalyado ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, bigong naipamahagi ng PCGG

Manila, Philippines – Nabigo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ipamahagi ang ill-gotten properties na narekober mula sa mga kaalyado ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Batay sa report ng Commission on Audit (COA), mayroong siyam na ari-arian ang nakatakda sanang ibenta noong 2017, pero hanggang sa katapusan ng taon ay hindi ito naibenta.

Ang mga ari-arian ay nakapaloob sa privatization plan na isinumite ng PCGG sa Department of Justice noong April 20, 2017.


Binanggit ng audit team na walang nangyaring public bidding para isapribado ang mga asset.

Lumabas din sa report na noong 2014 pa huling na nag-dispose ang PCGG ng ill-gotten properties, kung saan tatlo lamang mula sa 11 assets ang naibenta sa private buyers.

Makakuha sana ang gobyerno ng 336.014 million pesos na income kung naisagawa lang sana ang bidding sa siyam na ari-arian na maaring magamit sa pagpapatupad ng Comprehensive Reform Program (CARP).

Depensa naman ni PCGG Acting Chairman Reynold Munsayac, aminado silang nag-alangan sila na isapribado ang mga assets dahil sa inisyu ng COA na notice kung saan sisingilin ang dating pamunuan ng ahensya.

Giit ni munsayac, ang Department of Finance (DOF) at ang privatization council ang nagtakda ng floor prices ng mga dating disposed properties pero nagtakda ng mataas na halaga o presyo ang COA.

Nangako naman ang PCGG na makikipagtulungan sila sa COA para sa pagtatakda ng bagong halaga sa mga ari-arian at bagong floor prices.

Facebook Comments