BIGO | Kahilingan ni Ruby Tuazon na makabiyahe, ibinasura ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Hindi pinayagan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Ruby Tuazon na makabiyahe sa Estados Unidos mula March 22 hanggang May 5.

Ginawang batayan ng third division ang kabiguan ni Tuazon na makapagsumite ng detalyadong itinerary sa US at kung saan ito titira doon.

Nahahabaan din ang korte sa apatnaput limang araw na panahon ng kaniyang biyahe.


Si Tuazon ay nahaharap sa kasong katiwalian at malversation through falsification of public documents kaugnay ng pork barrel scam.

Facebook Comments