BIGO PA RIN | Tulong ng gobyerno sa mga apektado ng TRAIN law, hindi pa rin naibibigay

Manila, Philippines – Bigo pa rin ang Dept. of Social Welfare and Development o DSWD at Dept. of Transporation DOTr na mabigyan ng tulong ang lahat ng apektado ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ito ang lumabas sa pagdinig ngayon ng committee on economic affairs na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian.

Sa hearing ay inamin ni DSWD Assistant Secretary Noel Macalalad na sa 10-milyong mahihirap na pamilyang Pilipino ay nasa 6.6-milyon pa lamang nabibigyan ng 200-pesos kada buwan.


Sinabi naman ni Dept. of Transportation o DOTr Undersecretary Gary de Guzman na nasa 738 na cash cards pa lang ang naipapamigay sa 179,852 jeepney franchise holders at 288 pa lang dito ang aktwal na nagamit.

Ikinadismaya din ni Sen. Gatchalian ang lumabas sa pagdinig na hindi epektibo ang mga hakbangng National Food Authority para maibaba ang presyo ng bigas.

Facebook Comments