91 Barangay sa City of Ilagan Isabela, Patatayuan ng Tanod Out Post!

City of Ilagan, Isabela – Patatayuan ng tanod out post ang lahat ng barangay na nasasakupan sa lungsod ng Ilagan bilang tugon sa usapin ng problema sa droga.

Sa panayam ng RMN Cauayan President Gaylor Malunay ng Ilagan Liga ng Mga Barangay (LMB) na nasa 60 barangay tanod out post na ang naipapatayo at ang ilan ay ihahabol umano hanggang sa matapos ngayong taon.

Aniya ito rin umano ay bahagi ng mga proyekto ng pamahalaang panlunsod ng Ilagan sa pangunguna ni City Mayor “Mudz” Diaz, sa pakikipagtulungan ng hanay ng PNP Ilagan, grupo ng kabataan at sa suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.


Layunin umano ng nasabing proyekto na maibsan ang problema sa iligal na droga at mabantayan ang anumang klase ng krimen na maaring maganap sa pamamagitan ng mga nakatagang peace makers sa bawat barangay sa City of Ilagan.

tags.Luzon,RMN News Cauayan,DWKD 985 Cauayan,

Facebook Comments