BIGO | Pangatlong bidding para sa 203,000 MT na bigas, muling nabigo

Manila, Philippines – Sa pangatlong pagkakataon, muling nabigo ang National Food Authority (NFA) na makahanap ng supplier para sa 203,000 7 MT ng 25 percent broken at long grain white na bigas.

Magugunita na sa unang bidding ay 47,000 MT lamang mula sa target na 250,000ang nabili ng gobyerno mula sa ilang supplier ang mula Vietnam at Thailand.

Ang balanseng 203,000 ang isinasailalim ngayon sa bidding.


Magugunita na sa pangalawang bidding ay parehong hindi nagpasok ng bid offer ang Vietnam at Thailand dahil hindi nagkasundo sa terms of reference.

Sa isinagawang bidding kanina, parehong lumahok ang dalawang bansa pero hindi nagkasundo sa presyuhan.

Ibinaba ng Vietnam ng $150 ang kanilang price offer na $483. Hindi naman binago ng Thailand ang 480.50 na unang inialok nito.

Sobra pa rin itong mataas sa $447.88 reference price ng gobyerno.

Ayon kay Assistant Administrator Ma. Mercedes Yacapin, pag-uusapan muli ng NFA council kung kinakailangan na magbago sila ng kanilang reference price.

Aniya, ang reference price nila ay nakabatay sa presyuhan sa merkado at iba pang incidental price.

Facebook Comments