Manila, Philippines – Bagamat wala pang resulta ang inihaing Motion for Reconsideration ng Philippine National Police kaugnay sa pagkakabasura ng kanilang isinampang kaso sa naarestong Tunisian na umano’y miyembro ng ISIS na si Fehmi Lassqued.
Inihayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na ngayon pa lamang ay nararamdaman nya na ang pagkabigo dahil maariing hindi paburan ng korte ang kanilang inihaing Motion for Reconsideration (MR).
Matatandaan sa resolusyon na inilabas noong March 5, 2018 ng Department of Justice ibinasura ang kasong illegal possession of firearms and ammunition laban sa suspek dahil sa kawalan ng matibay na basehan kaya naghain ng Motion for Reconsideration ang PNP.
Pero nitong nakalipas na araw ng Lunes sa ginawang pagdinig sa motion for reconsideration, iprinisenta ni Senior State Prosecutor Peter Ong ang isang video na sumusuporta sa mga pahayag ni Lassqued.
Sa CCTV footage makikita na naaresto si Lassqued sa Makati City at hindi sa Malate, Maynila.
Hindi rin sila magkasama ng kanyang kasintahan na si Anabel Moncera Salipad nang maaresto taliwas sa mga report ng PNP.
Sinabi ni PNP Chief na mag-uusap sila ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Oscar Albayalde upang matukoy ang mga susunod nilang hakbang kaugnay dito.