Manila, Philippines – Bigong makalusot sa susunod na round ng FIBA 3-on-3 Under 23 World Cup ang Team Pilipinas.
Ito ay kahit pa nanalo sila sa huling dalawang laro laban sa Turkmenistan sa score na 21-8 at ang host team na China sa score na 21-15.
Nagtapos ang Team Pilipinas sa ikatlong pwesto sa group-C kasunod ang China at Slovenia.
Kumamada ng 27-total points si Rhon Jay Abarrientos sa apat na laro habang sinundan naman ito ni Former La Salle Star Ricci Rivero na may 25-total points.
Facebook Comments