TAYA NA! | Premyo sa 6/58 Ultra Lotto, hindi pa din napapanalunan

Manila, Philippines – Hindi pa rin napanalunan ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nabatid na umabot na sa record high na P903,290,152 ang papremyo sa naturang lotto.

Sa naging draw kagabi, lumabas ang winning combination na 01, 30, 27, 36, 49, 12.


Dahil dito ay inaasahan pang lalaki ang premyo sa Ultra Lotto at mas lalo pang dadami ang tataya dito kung sana ang susunod na draw ay sa darating na Linggo (October 7).

Facebook Comments