Bigtime oil price hike, muling tataas sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Mayroong nakaambang na isang malakihang pagtaas sa presyo sa produktong petrolyo sa ikatlong sunod na linggo.

Sa unang tatlong araw ng trading sa pandaigdigang merkado nasa P1.39 na ang iminahal ng kada litro ng imported diesel, P1.36 sa kada litro ng imported na gasolina at P1.32 sa kada litro ng imported kerosene.

Paliwanag ni Rodela Romero, assistant director, Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng Department of Energy (DOE), wala silang magagawa dahil wala naman silang kontrol sa presyuhan sa world market.


Bukod sa petrolyo, sinabi ni LPG Marketers’ Association (LPGMA) Party-list Representative Arnel Ty na nakaambang ring tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Marso.

Aniya, nasa P1 hanggang P2 kada kilo o P11 hanggang P22 kada tangke ang posibleng itaas sa presyo ng LPG.

Ginamit kasi aniyang heating fuel ang LPG sa mga malalamig na lugar.

Facebook Comments