Inaasahang aabot sa ₱2.00 hanggang ₱3.00 ang itataas sa presyo ng kada litro ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay epekto na ng nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan pumalo na sa $116 ang kada bariles ng langis.
Ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., batay sa tantya ng Oil Industry Management Bureau ay nasa ₱1.80 ang per liter adjustment sa gasolina, ₱2.20 hanggang ₱2.30 sa diesel at ₱3.00 sa kerosene sa kada $5 na increase sa global oil prices.
Isa pa sa nagpapataas ng presyo sa ating merkado ang paghina ng piso kontra dolyar.
Facebook Comments