Matapos ang rollback nitong nakaraang linggo, nagbabadya naman ang big time oil price hike ngayong Semana Santa.
Ayon sa oil industry source, ang nakaambang malakihang taas-presyo ay batay sa galaw ng 4-day oil trading sa international market.
Sa pagtatanya, posibleng pumalo sa ₱2.20 hanggang ₱2.40 ang itaas sa kada litro ng gasolina habang nasa ₱1.45 hanggang ₱1.75 naman sa kada litro ng diesel.
Aabot naman sa ₱1.20 hanggang ₱1.60 ang idagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Posible pa rin naman na mabago ang presyo batay sa final oil trading ngayong araw.
Facebook Comments