PBBM, nagdeklara ng holiday sa ilang lugar sa bansa

Nagdeklara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng holiday sa ilang lugar sa bansa.

Batay sa Proclamation No. 499 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, idineklara bilang special non-working day ang April 19 sa Tarlac City para sa pagdiriwang ng 26th Charter Anniversary ng lungsod.

Sa magkahiwalay namang proklamasyon, wala ring pasok sa April 5 sa Pangasinan para sa selebrasyon ng 444th Founding Anniversary ng lalawigan at maging sa April 4 sa Antipolo, Rizal para sa kanilang 26th Cityhood Anniversary.


Sa April 3, walang pasok sa Balangiga, Eastern Samar para sa kanilang 170th Founding Anniversary.

Habang special non-working ngayong araw, March 22, sa Mambusao, Capiz para sa selebrasyon ng founding anniversary sa nasabing lugar.

Facebook Comments