Bigtime rollback sa diesel at kerosene, aarangkada bukas; gasolina, walang paggalaw

Bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista bukas.

Epektibo alas-6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ang Pilipinas Shell at Seaoil ng P4.15 na bawas-presyo sa kada litro ng diesel at P4.45 sa kerosene.

Habang alas-12:01 mamayang hatinggabi aarangakada ang rollback ng Caltex.


Parehong price adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Facebook Comments