Bangsamoro electoral code, local government code at revenue code, sisikaping tapusin ngayong taon o sa unang quarter ng susunod na taon

42

Target ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARRM na tapusin ang Bangsamoro electoral code, local government code at revenue code ngayong taon o sa unang quarter ng susunod na taon.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni BARRM Interim Chief Minister Ahod Ebrahim Al Haj na ito ang kanilang tutukan sa susunod na regular session ng Bangsamoro Transition Authority.

Matatandang sa BTA Inauguration Ceremony nitong September 15 sa Cotabato City na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., personal na inabot ni Chief Minister Ebrahim sa pangulo ang printed copies ng draft para sa electoral at local government codes.


Bukod sa prayoridad na tapusin ang tatlong Bangsamoro code, sinabi ni Chief Minister Ebrahim na nakatutok din sila sa apat na mahahalang usapin para sa mga taga-BARMM.

Ito ay may kaugnayan sa medical and health services, education, infrastructure at social services.

Umaasa naman si Chief Minister Ebrahim na sa mga susunod na taon ay magkakasundo na ang mga revolutionary group sa pamamagitan nang maayos na paglalatag ng mga patakaran at programa sa BARMM.



Facebook Comments