Bigtime rollback sa presyo ng diesel at kerosene, ipatutupad bukas

Pagkatapos ng limang sunod-sunod na linggong oil price hike, makakalasap na ng rollback ang mga motorista bukas.

Sa abiso, epektibo alas-6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ng ₱3.00 tapyas-presyo sa kada litro ng diesel at ₱3.40 sa kerosene ang Pilipinas Shell at Seaoil.

Kaparehong bawas-presyo sa diesel ang ipatutupad ng Petro Gazz epektibo rin ng alas-6:00 ng umaga gayundin ang Cleanfuel na epektibo naman alas-8:00 ng umaga bukas.


Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Samantala, ang nasabing rollback ay wala pang 10% ng mga ipinatupad na taas-presyo sa langis batay sa datos ng Department of Energy.

As of June 28, 2022, umabot na sa ₱30 ang net increase per liter ng gasolina; ₱45.90 sa diesel at ₱39.75 sa kerosene.

Facebook Comments