Pangulong Bongbong Marcos, wala pang schedule para sa state visit ‬

57

Abala pa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagbuo ng kanyang gabinete kaya hindi pa matutukan ang state visit.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Presidential Communication Secretary Trixie Cruz Angeles na wala pang anunsyo ang presidente kaugnay sa kanyang mga nakatakdang state visit.

Maging ang imbitasyon aniya ni US President Joe Biden kay PBBM na pagbisita sa Estados Unidos ay hindi pa raw pormal na tinatanggap ng pangulo.


Sinabi ni Angeles, hintayin na lang daw ang opisyal na anunsyo ng Malakanyang kaugnay rito.

Facebook Comments