Biik isinilang na may 3 Mata at 2 Nguso sa Tacurong City

26

Magkahalong saya, pangamba at palaisipan sa mga residente ng Purok Katipunan, Brgy. Calean Tacurong City ang hatid ng isang bagong silang na biik na may kakaibang mukha.
Sinasabing natatangi ang mukha ng biik na tila may dalawang ulo na may tatlong mata at dalawang mga nguso/bibig ,mula sa walong biik na isinilang kaninang tanghali.
Sabay rin kung dumide mula sa inahing baboy ang biik.
Pagmamay ari ang baboy ni Adelita Dalepe.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na explanation sa pisikal na imahe ng biik.
Sa kabila ng kakaibang imahe ng biik , patuloy na aalagaan aniya ito ng may ari .
Sa darating ng Feb. 5 ay ipagdiriwang ang chinese new year na sinasabing Year of the Earth Pig.

Facebook Comments