Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga organizers ng “Bike for Justice and Peace” campaign.
Isa itong pambansang kampanya na may layong ilantad ang karahasan na ginagawa ng New People’s Army.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, suportado ng DILG at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ganitong kampanya at aktibidad.
Ayon pa sa kalihim, may karapatan ang mga pangkaraniwang mamamayan na maglabas ng sentimyento sa brutal na pagpatay sa football player na si Kieth Absalon at sa pinsan niyang si Nolven sa pamamagitan ng anti-personnel mine attack.
Aniya, patunay ito ng pagiging biktima ng mga kabataan sa kamay ng mga rebeldeng grupo.
Umaasa si Año na ang tagumpay ng Bike for Justice and Peace ay pagsilbing panggising sa mga kabataan at civic groups at makibahagi rin sa nagkakaisang tinig kontra sa communist rebels.