Bikini photos ni Ai-Ai Delas Alas, umani ng iba’t-ibang reaksyon

Kaliwa’t kanang reaksyon ang natatanggap ngayon ng comedy actress na si Ai-Ai Delas Alas matapos itong mag-post ng kaniyang bikini photos.

Ilang mga celebrities tulad nina Erik Santos, Aiko Melendez, Kakai Bautista, Martin Nievera, Valeen Montenegro, Gladys Reyes at maging ang pamilya nito ay natuwa at na-inspired lalo na at sa edad niyang 54-anyos ay napanatili daw niya ang pagiging slim ng kaniyang katawan.

Say naman ni Ai-Ai, katuwaan lang ang pagpo-post pero aminado siya na may kaunting edit siyang ginawa sa mga larawan kung saan binura niya ang mga stretch marks.


Kung may ilang stars ang natuwa, marami namang bashers ang hindi pinalampas ang pagkakataong laitin si Ai-Ai mula ulo hanggang paa.

Giit ng mga bashers, sumobra naman daw ang pag-e-edit o pag-photoshop sa mga larawan at saka sinabing hindi daw siya nagpapakatotoo sa sarili.

Facebook Comments