BIKTIMA LANG? | Chinese businessman na respondent sa 6.4-billion shabu shipment, umapela sa DOJ na ibasura ang kanyang kaso

Manila, Philippines – Hiniling sa Department of Justice ng negosyanteng Chinese na si Richard Tan na ibasura ang reklamong smuggling na inihain laban sa kanya ng Bureau of Customs (BOC).

May kaugnayan ito P6.4 billion na shabu shipment mula China.

Ginawa ni Chen Ju Long alyas Richard Tan ang kahilingan sa kanyang isinumiteng kontra salaysay sa DOJ.


Partikular ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na inihain laban sa kanya ng BOC.

Ayon kay Tan, may naihain na kasing kaso sa Valenzuela Regional Trial Court kaugnay ng shabu shipment kung saan isa siya sa mga akusado kaya maituturing nang moot and academic ang reklamo ng Bureau of Customs laban sa kanya.

Maliban dito, biktima lamang anya sya ng sirkumtansya.

Si Tan ang chairman ng Philippine Hongfei Logistics Group of Companies Inc. at may-ari ng warehouse sa Valenzuela City kung saan nasamsam ang mahigit 600 kilo ng shabu.

Facebook Comments