BIKTIMA | Listahan ng mga Marcos human rights victim na bibigyan ng kompensasyon, isinasapinal na

Manila, Philippines – Target tapusin ngayong buwan ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) ang listahan ng mga pangalan ng huling batch para sa kompensasyon ng mga naging biktima ng rehimeng Marcos.

Ayon kay HRVCB chairperson Lina Sarmiento, inaayos na nila ang pinal na listahan ng 75,730 claimants para mailathala na sa publiko sa buwan ng Mayo.

Nabatid na aabot sa 9.75 billion pesos ang bayad na paghahatian sa mga naging biktima ng human rights violations sa panahon ng Martial Law.


Mula 75,730 claimants, mahigit sampung libo rito ang na-denied ng board dahil sa kakulangan ng mga patunayan na sila ay naging biktima human rights violations.

Facebook Comments