PINAGTULUNGAN | 3 menor, huli; 12 iba pang mga kabataan, pinaghahanap ng pulisya matapos makapatay

CDO – Kulong sa Macabalan Police Station ang 3 menor de edad, samantala pinaghahanap naman ang 12 mga kabataan na siyang tinurong suspek sa pagpatay sa isang 20 taong gulang na lalake, kahapon.

Ang biktima ay nakilala sa pangalan na si John Vincent Abarquez, na residente ng Celrai, Barangay Puntod.

Ayon kay Police Insp. Jessie Palencia, ang deputy station commander ng Macabalan police station, na natutulog lang ang biktima ng pagtulungan ito ng tinatayang 15 mga kabantaan.


Binato umano ito ng botelya, saka pinagsasaksak.

Tinatayang nasa 14 hanggang 17 taong gulang ang mga miyembro sa grupong tinatawag na Seagod of Explosion o nakilala sa tawag na Tandog-Bulabog.

Naniniwala ang kapulisan na may sama ng loob ang grupo sa biktima na posibleng nahiwalay sa kaniyang grupo kung kayat ng makita ito ng mga suspect ay pinagtulungan ito na siyang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Facebook Comments