Baguio City, Philippines – Bilang ng mga biktima ng Violence Against Women And Children sa Cordillera umabot na sa mahigit pitong daang kaso simula noong Enero hanggang Agosto.
Umabot na sa mahigit apat na raang kaso ang naitalang karahasan sa kababaihan samantala halos tatlong daang kaso naman ng ang naitalang karasahan sa mga bata.
Base sa datos mula sa Regional Secretariat Ng Violence Against Women ay Baguio City ang nagtala ng may pinakamaraming bilang ng karasahan sa kababaihan na umabot ng 210 kaso.
Nanguna rin ang Baguio City sa dami ng bilang ng naitalang karahasan sa mga bata na umabot ng 106 na kaso.
Ang kadalasang kaso ng karahasan sa mga kababaihan at mga bata ay physical abuse, psychological abuse at sexual abuse.
Facebook Comments