Biktima ng naputukan sa Pangasinan bumaba ng 46%

56

Umabot sa 41 na kaso ang bilang ng naputukan sa pagsalubong sa bagong taon sa Pangasinan, mas mababa umano ng 46% kumpara noong nakaraang taon.
Noong nakaraang taon nagkaroon ng 76 kaso ng paputok sa lalawigan.
Sa datos ng Pangasinan Health Office, Pinakamarami ang biktima ng paputok na kwitis, luces, at five star.
Nasa anim na taong gulang naman ang pinaka batang biktima ng paputok.
Karamihan sa mga biktima ay naapektuhan sa ang kamay, leeg at mata.
Samantala, mananatiling nasa code white alert status ang mga ospital sa lalawigan hanggang sa Ika-3 ng Enero.
###

Facebook Comments