Magsasaka, Binaril sa Hita ng kanyang Malapit na Kaanak

*Cauayan City, Isabela*- Nagpapagaling na ang isang magsasaka matapos itong barilin ng kanyang malapit na kamag-anak habang sila ay nag iinuman bandang 11:30 kagabi sa Brgy. Minallo, Naguilian, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Louie Ramos, 39 anyos, may asawa habnag kinilala ang suspek na si Wilfredo Tomines, nasa tamang edad, may asawa, isang magsasaka at kapwa mga residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Naguilian, lumalabas na nagkaroon ng inuman ang biktima at suspek kasama ang kanilang mga kaanak ng biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at agad na binaril ng suspek sa kaliwang hita ang biktima ng di pa matukoy na kalibre ng baril.
Narekober naman ang baril na ginamit ng suspek at basyo ng bala.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang suspek na nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Facebook Comments