Biktima ng Paputok, Pumalo ng 55 Katao- DOH Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa kabuuang 55 katao ang mga naitalang biktima ng firecrackers related injuries ng Department of Health Region 2 simula December 21 hanggang ngayong Enero 3.

Batay sa datos ng DOH, karamihan sa mga biktima ay kalalakihan o 35.64 percent na may edad 4 hanggang 81 taong gulang habang ang higit na apektado ay mga edad 6-10 gulang o katumbas ng 12.22 percent at naitala ang may pinakamataas na insidente sa Lalawigan ng Cagayan o katumbas naman ng 26.47 percent.

Ilan sa mga biktima ay pawang tinamaan ng paputok sa mata, leeg, dibdib, genital area habang pinakamataas ang bilang ng mga naputukan sa kamay na umabot sa 23 ang biktima.


Samantala, nakapagtala rin ang Probinsya ng Nueva Vizcaya ng apat na biktima habang 2 naman sa Lalawigan ng Quirino.

Facebook Comments