Kampo ng mga Ampatuan, hindi pa naghahain ng apela sa Court of Appeals kaugnay ng sentensya sa Maguindanao Massacre Case

217

Hihintayin muna ng kampo ng mga Ampatuan na maisumite ng Quezon City Regional Trial Court sa Court of Appeals ang case record ng Maguindanao massacre case records bago sila maghain ng apela.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Paul Laguatan matapos ang kanilang paghahain ng notice of appeal sa QC-RTC.

Magugunitang December 19 nang ibaba ni QC-RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang hatol sa kasong murder ng mga magkakapatid na Ampatuan dahil sa pagkamatay ng 57 katao kabilang na ang 32 mamamahayag sa Maguindanao.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) na maghahain naman sila ng oposisyon o pagtutol kapag naisumite na mg mga Ampatuan ang kanilang apela.

Facebook Comments