Biktima ng Umano’y Hit and Run na Makikilamay Sana sa Gamu, Isabela, Nakilala Na!

48

*Gamu, Isabela- *Nakilala na ang lalaking umano’y biktima ng hit and run kahapon na naganap sa pagitan ng Gamu at Roxas Road partikular sa Brgy. Barcolan, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Eddie Granadoso Soriano, trentay otso anyos, may asawa, isang corn dryer operator at residente ng brgy. San Miguel, Burgos, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Richard Limbo, ang hepe ng PNP Gamu, bandang alas sais umano ng gabi noong nakaraang araw nang umalis ang biktima sa kanyang bahay lulan ang kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Gamu upang makilamay sa kanyang kamag-anak.

Base naman sa pagsisiyasat ng kapulisan ay natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima bandang alas onse ng gabi sa kahabaan ng brgy. Barcolan, Gamu, Isabela.

Kaugnay nito ay wala pa umanong nakukuhang gabay ang kapulisan sa maaaring pagkakakilanlan ng suspek kaya’t patuloy parin sa paghahanap ngayon ang PNP Gamu sa posibleng salarin na umano’y kumaladkad na ikinasawi ni Eddie Soriano.

Facebook Comments