Isang patay at lampas 36 kataong nasaktan ang iniwan ng lindol na naganap kahapon kung saan sentro nito ang islang probinsiya ng Masbate sa Kabikolan . Maliban dito maraming mga establisimiento pa ang sinira ng nasabing pangyayari na naganap bandang alas 8:03 ng umaga at naging epicenter pa nito ang Cataingan na may magniutude na 6.6.
Kinilala ang nasawi na si PNP Ret. Col. Guilbert Sauro, ayon sa report ng Philippine Red Cross. Ang biktima ay kasamang nasawi nang bumagsak ang malaking bahay nito.
Kasama sa mga nasira ang public market, estasyon ng pulisya, mga kalsada, private structures pati na rin ang opisina ng Public Attorney’s Office sa nasabing lugar.
Ayon pa sa report, nag-aalmusal umano ang pamilya ni Sauro nang maganap ang trahedya. Nakalabas umano sa bahay ang kapamilya samantalang minalas na naiwan sa loob ng bahay ang biktima at natabunan nang bumagsak ang malaking bahay.
Napaulat din ang marami pang mga aftershocks kung saan maraming mga residente ang hindi maiwasang magpahayag ng kanilang pangamba. Patuloy din ang assessment ng pulisya hinggil sa kasiraang dulot ng nasabing trahedya.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Biktimang Lindol sa Cataingan, Masbate, Kaka-almusal pa lamang nang Maganap ang Trahedya
Facebook Comments