Nadagdagan ng higit dalawang milyon ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino noong 2021.
Sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa 2021 Full Year Official Poverty Statistics, umaabot na sa 19.99 milyon ang kabuuang bilang ng mahihirap na Pilipino mula sa 17.67 noong 2018.
Bukod dito, naitala ang poverty incidence sa kada pamilya sa taong 2021 sa 13.2% na mas mataas noong 2018 na nasa 12.1%.
Maging ang poverty rate ay umangat din sa 18.1% mula 16.7% noong 2018.
Base pa sa datos ng PSA, ang NCR ang may pinakamataas na poverty threshold noong 2021 sa halagang ₱13,741 kada buwan para sa isang pamilya na may limang miyembro at ang MIMAROPA o Region 4-B ang may pinakamababang poverty threshold na nasa ₱10,967.
Noong 2021, umabot din ang subsistence incidence sa 5.9% na mas mataas ng 0.7 percent na naitala noong 2018.