Bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng kahirapan sa 1st semester ng 2021, tumaas – PSA

Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng kahirapan sa unang anim na buwan ng 2021.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 18.0% poverty incidence sa unang semester ng 2021 na mas mataas kumpara sa 16.2% na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Katumbas ito ng nasa 4.74 million na mahihirap na pamilyang Pilipino.


Ayon sa PSA, P12,082 ang halagang kailangan kada buwan ng bawat pamilyang may limang miyembro para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Samantala, nakapagtala rin ang PSA ng 23.7% na poverty incidence sa populasyon ng bansa sa unang anim na buwan ng 2021 na mas mataas din kumpara sa 21.1% na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Katumbas ito ng 26.14 milyong mga Pilipinong kumikita ng halagang mas mababa pa sa itinakdang poverty threshold sa first semester ng 2021.

Ang poverty incidence sa populasyon ay tumutukoy naman sa proportion ng mahihirap na Pilipino na ang per capita income ay hindi sapat para matugunan ang kanilang basic food at non-food needs.

Facebook Comments